Mexican-American boxer Mikey Garcia tiwalang sila na ang susunod na maglalaban ni Filipino boxing Champ Manny Pacquiao

File Photo

Kumpiyansa ang Mexican-American boxer na si Mikey Garcia na siya na ang susunod na makakalaban ni Manny Pacquiao.

Ito ay sa harap nang negosasyon sa pagitan ng kanilang kampo at ng pambansang kamao.

Malaki ang paniniwala ng kampo ni Garcia na mapaplantsa ang kontrata para sa laban na magaganap sa susunod na taon.

Natatagalan lamang aniya ang negosasyon dahil abala pa ang Filipino boxing champion lalo na sa kanyang trabaho sa senado.

Marso nang huling lumaban si Garcia at matalo ni IBF welterweight champion Errol Spence habang si Pacquiao ay nagwagi sa laban niya kay Keith Thurman noong Hulyo.

Read more...