PAO tiwalang kakatigan ng pangulo ang hiling nila na ibalik sa kanila ang tinapyas na pondo ng kongreso

File Photo

Umaasa ang Public Attorney’s Office na kakatigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang hiling kaugnay pagtapyas ng kongreso sa pondo ng kanilang ahensya para sa 2020.

Ito ay matapos lumiham si PAO Chief Persida Rueda – Acosta sa Pangulo at hiniling na i-veto ang special provision sa General Appropriations Bill na naglilimita sa paggamit ng maintenance and other operating expenses ng PAO at hiwalay na operating expenses ng PAO Forensic Laboratory.

Iginiit nito na mapagkakaitan ng tulong ang mga mahihirap sakaling matuloy ang pagkaltas sa kanilang pondo.

Ang 19.5 million pesos na tinapyas sa pondo ng PAO ay nakalaan sa kanilang forensic laboratory na inilaan mismo ng Department of Budget and Management.

Hinala ng PAO, posibleng nakialam si dating Health Secretary at ngayon ay Congresswoman Janette Garin sa isyu.

Ang forensic laboratory ng PAO ay naging kontrobersyal dahil sa patuloy na pag-otopsiya sa mga batang nasawi dahil umano sa Dengvaxia at isa si Garin sa mga sinampahan ng reklamo ng PAO.

Read more...