DOJ Usec. Emmeline Aglipay-Villar nag-inhibit sa review ng concession agreement ng Manila water at Maynilad sa MWSS

Kinumpirma ni Justice Menardo Guevarra na hihingin niya ang pag-inhibit ni Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar sa ginagawang pag-review ng Department of Justice o DOJ sa concession agreement sa Maynilad at Manila Water.

Ayon kay Guevarra, layon nito na maiwasan ang kontrobersiya matapos na lumutang ang akusasyon na pinupuntirya ni Aglipay-Villar ang Maynilad at Manila Water.

Si Aglipay-Villar ay maybahay ni Public Works Sec. Mark Villar, na anak nina Senadora Cynthia Villar at dating Senador Manny Villar.

Ang pamilya Villar ang may-ari ng Primewater Infrastructure Corporation na sinasabing posibleng mag-takeover sa pagsusuplay ng tubig kapalit ng dalawang water firms.

Una nang sinabi ni Aglipay-Villar na walang kinalaman ang pamilya Villar sa kanyang trabaho sa pag-review sa mga kontrata.

Read more...