2 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa lamay sa Caloocan City

Nasawi ang dalawang lalaki habang isa pa ang sugatan matapos silang pagbabarilin habang nagsusugal sa isang lamay sa Brgy. 143, Bagong Barrio, Caloocan City, Huwebes ng gabi.

Nakilala ang mga biktima na sina Crisanto Santiago at Jasper Eslisa na parehong dead-on-the sport sa krimen.

Tingin ng mga kaanak ni Santiago, alitan sa sugal ang motibo sa pagpatay.

Pangatlong beses na umanong pinagtangkaan ang buhay ng biktima.

Dati na umano itong nasaksak at nabaril pero nakaligtas pa rin.

Nagpapagaling naman ngayon sa ospital ang isa pang nasugatan.

Ayon kay Police Cpl. James Yap ng Caloocan City police, mayroon na silang person of interest sa kaso.

Read more...