Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora at Quezon dahil sa Amihan.
Bagama’t apektado rin ng Amihan, ang Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng Luzon ay makararanas lamang ng pulo-pulong mga pag-ulan.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat naman ang dala ng Easterlies sa Visayas, Caraga at Palawan.
Nagbabala ang PAGASA ng posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga sandaling malakas ang ulan.
Sa nalalabing bahagi ng bansa, asahan ang generally fair weather na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying-dagat ng:
– Batanes
– Northern coast ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands
– at Ilocos Norte