Aabot sa 95 percent ng mga Filipino ang nagsabing sila ay ‘proud’ kapag nananalo ang bansa sa mga international sports competition ayon sa September 2019 survey ng Social Weather Stations.
Ayon sa resulta ng survey na inilabas Huwebes ng hapon, 79 percent ng mga Filipino ang nagsabing sila ay ‘very proud’ kapag nananalo ang bansa sa sports competitions abroad at 17 percent ang ‘somewhat proud’ kaya naitala ang kabuuang 95 percent na ‘proud’.
Two percent ang ‘not very proud’ habang 1 percent ang ‘not proud’ at all.
Kumpara sa resulta ng kaparehas na survey noong 2008, mas maraming Filipino ngayon ang ipinagmamalaki ang panalo ng bansa sa sports competitions.
Noong 2008, 93 percent lang ang nagsabing ‘proud’ sila sa tagumpay ng bansa sa international sports competitions.
Ayon sa SWS, ang sports ay isa sa top sources ng Filipino pride kung pagbabatayan ang datos mula sa International Social Survey Program.
Noong 1995, 2003 at 2013 ang porsyento ng mga Filipino na proud sa tagumpay ng bansa sa sports ay 80 percent, 84 percent at 86 percent.