Walong estado sa America iniligay na sa State of Emergency dahil sa matinding blizzard

winter storm
Inquirer file photo

Dahil sa tindi ng blizzard na nararanasan sa New York City, U.S., 7000 flight ang kinansela simula araw ng Biyernes at Sabado sa America.

Nagsimula na rin ang gradual shutdown sa New York City’s bus system, habang nasa 100, 000 kabahayan naman sa North Carolina ang wala ng suplay ng kuryente.

Ayon Naman kay New Jersey, Governor Chris Christie, umaabot naman sa 90,000 katao ang apektado ng kawalan ng suplay ng kuryente dahil sa matinding blizzard.

Umaabot naman sa siyam na katao ang nasawi dahil sa car accident sa North Carolina, Virginia, Kentucky at Tennessee.

Sa Virginia pa lamang batay sa ulat ng State Police umaabot sa 989 car crashes ang napaulat Biyernes ng gabi.

Isang lalaki naman ang naman ang nasawi sa araw ng Sabado matapos na atakehin sa puso habang nagpa-pala ng niyebe sa Maryland.

Inilagay na rin sa State of Emergency ang Tennessee, Georgia, Kentucky, North Carolina, New Jersey, Virginia, West Virgnia, Mary Land, Pennsylvania, at ang District of Columbia.

Read more...