Foreman nahulog mula sa ginagawang condo sa QC patay

wind
Kuha ni Jong Manlapaz

Isang foreman ang namatay matapos na mahulog mula sa 35th floor ng isang condomunium building sa Quezon City.

Kinilala ni SP03 Joel Macabasag ng Quezon City Station 11 ang biktimang si Noel Manawis, 42 yrs old ng La Felonila st. Brgy. Damayan Lagi Quezon City.

Ayon kay SPO3 Macabasag, idineklarang dead-on-arrival sa St. Luke’s Medical Center si Manawis dahil sa mga pinsalang inabot ng kanyang katawan mula sa pagkakahulog sa gusali.

Sa pahayag ni Alan Alimento, safety officer ng Wind and Land Tower Residences 4 na pagmamay-ari ng SMDC, kasalukuyang tinutulungan ng biktima ang kanilang mga pintor sa 35th floor ng nasabing gusali.

Sumabit umano ang paa ng biktima sa pinagdudugtong na mga lubid na siyang dahilan para siya mawalan ng balance hanggang sa mahulog sa ground floor ng ginawang gusali.

Napag-alaman rin na tatlong buwan pa lamang na nagta-trabaho bilang foreman ang biktima sa wind and Land Tower Residences.

Sinasabi rin sa pahayag ng safety officer ng gusali na may lagnat ang biktima pero nagpumilit itong pumasok sa trabaho para kunin ang kanyang sweldo.

Read more...