Mas maraming tungkulin para sa mga kababaihan at kabataan, isinusulong ng CBCP

Dapat isali at bigyan ng mas maraming tungkulin ang kababaihan at kabataan sa mga aktibidad ng simbahan.

Ito ang panawagan ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa isinagawang Media Ministry seminar ng Federation of Asian Bishops’ Conferences.

Napansin kasi ni Cardinal Tagle na iisang madre lamang umano ang dumalo at wala ni isang kabataan ang sumipot sa nasabing seminar.

Ayon kay Cardinal Tagle, simbahan ang may tungkulin na isama ang kabataan at kababaihan sa Media Ministry Seminar.

Dagdag pa ng Cardinal na ang pinakamagagaling na communicators ay mga kababaihan at kabataan lalo na sa larangan ng social communication.

Ang mga kabataan at kababaihan din umano ay makatutulong sa pagbibigay ng payo kung paano mas epektibong maipapahayag mensahe ng simbahan sa social media.

Read more...