PDEA director general Aaron Aquino, nahirapan na naging co-chairperson ng ICAD si VP Leni Robredo

Aminado si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Aaron Aquino na nahirapan at hindi siya naging komportable na naging co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs si Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Aquino, nag-aalangan kasi siya na pagsabihan o diktahan si Robredo kung ano ang kanyang mga dapat na gawin dahil hawak nito ang ikalawang pinakamataas na puwesto sa bansa.

Sinabi ni Aquino na bilang bise president, hindi niya mapigialn si Robredo nang magsimula itong makipagpulong sa mga foreign groups.

Pero sa kabila nito, sinabi ni Aquino na may nagawa namang magandang hakbang si Robredo sa labing siyam na araw na panunungkulan bilang ICAD co-chairperson.

Maganda aniya ang mga ginawnag rekomendasyon ni Robredo at katunayan inatasan ang ICAD na sundin ang kanyang mga naging mungkahi.

Sa ngayon, sinabi ni Aquino na mas makabubuting wala siyang co-chairman sa ICAD.

Pero kung magpapasya man aniya si Pangulong Rodrigo Duterte na punan ang bakanteng puwesto ni Robredo, mas makabubuting maging ka-lebel niya lamang ito na undersecretary.

Read more...