Media, celebrities, congressmen nasa high value target list ng PDEA

Kuha ni Chona Yu

Ibinunyag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Aaron Aquino na ilang mga kagawad ng media, artista, congressmen at ilan pang pulitiko ang kasama sa high value target na sangkot sa illegal na droga.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Aquino na ilang malalaking pangalan sa industriya ng media ang nagsisilbing protector sa mga high value target. Tri media aniya ito, ang ibig sabihin ay mayroong nasa broadcast, print at online industry.

Ilang mga opisyal ng PDEA, Philippine National Police (PNP) at militar ang sangkot din sa oprasyon ng illegal na droga.

Sa ngayon, ayon kay Aquino aabot sa mahigit labing dalawang katao ang kasama sa listahan ng high value target kabilang na rito ang ilang local chief executives.

Read more...