Buy-bust operation isinagawa sa Candelaria, Quezon; dating drug convict arestado

Arestado ang isang dating drug convic sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa bayan ng Candelaria sa lalawigan ng Quezon, Miyerkules ng gabi (December 11).

Nakilala ang suspek na si Florencio Cunanan Jr., 37 taong gulang na dati nang nakulong dahil sa kasong pagtutulak ng droga pero nakalaya matapos ang plea bargaining agreement.

Ayon sa Quezon police, naaresto si Cunanan matapos bentahan ng shabu ang isang police agent sa Barangay Malabanban Sur alas-10 ng gabi.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong plastic ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P12,512.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...