Korean actor na si Yeo Jin Goo magkakaroon ng fan meet sa Pilipinas

Magkakaroon ng fan meet sa Pilipinas ang Korean actor na si Yeo Jin Goo.

Sa anunsyo ng production company Wilbros Live ang unang fan meeting ni Yeo Jin Goo sa bansa ay may titulong “Memory Line”.

Magaganap ito sa February 1, 2020 sa New Frontier Theater.

Sa December 22, alas 11:00 ng umaga magiging available ang tickets.

Si Yeo ay nagsimula bilang child actor sa pelikulang Sad Movie noong 2005.

Ilan sa kaniyang pinagbidahan ang “Shoot Me in the Heart”, “The Long Way Home”, “Warriors of the Dawn”.

Ilan sa recent projects niya ay ang “The Crowned Clown”, “My Absolute Boyfriend” at “Hotel Del Luna”.

 

Read more...