Malakanyang nagdeklara ng holiday sa Tuguegarao City at Calatagan, Batangas

Idineklara ng Malakanyang ang December 18 araw ng Miyerkules bilang special non working holiday sa Tuguegarao City, Cagayan.

Ito ay bilang paggunita sa ika 20 Charter Anniversary ng lungsod.

Sa proclamation number 867 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang deklarasyon ng holiday ay para mabigyang pagkakataon ang mga residente sa Tuguegarao na makiisa sa selebrasyon.

Samantala, sa Calatagan, Batangas idineklarang special non working holiday ang araw ng Lunes, Dec. 16.

Ang nasabing petsa naman ay Founding Anniversary ng Calatagan.

Read more...