Mga airline company mayroon ding 12.12 sale

Nag-anunsyo rin ng 12.12 seat sale ang mga airline company.

May alok na P12 na base fare para sa domestic at international flights.

Sa abiso ng Cebu Pacific, ang one-way base fare sa mga domestic destination mula Cagayan De Oro, Clark, Cebu at Manila ay P12 lang.

May promo fare din para sa international destinations gaya ng Seoul, Bali, Bangkok, Guangzhou, Hong Kong, Kota Kinabalu, Kuala Lumpur, Macao, Osaka, Seoul (Incheon), Shanghai, Shenzhen, at Taipei.

Ang seat sale ay mula ngayong araw hanggang bukas December 13, 2019.

Habang ang travel period ay mula July 1, 2020 hanggang November 30, 2020.

Samantala, ang AirAsia ay mayroon ding P12 base fare mula Maila at Cebu at P112 naman mula Clark.

Ito ay para sa mga destination na Davao, Bohol, Cebu, Puerto Princesa, Taipei, Kaohsiung, Shanghai, Seoul, Macao, Kuala Lumpur, Shenzhen, at Singapore.

Hanggang 11:59 ng gabi ng December 12 ang sale ng AirAsia at ang travel dates ay mula August 1, 2020 hanggang March 2, 2021.

Read more...