Drug suspect patay matapos manlaban sa buy-bust sa Laguna

Police banner

Patay ang isang hinihinalang pusher matapos manlaban sa mga otoridad sa bayan ng Lumban sa Laguna.

Kinilala ni Laguna police director Col. Eleazar Matta ang suspek na si Jeffrey Brosas, na residente ng Barangay Oogong sa Sta. Cruz.

Ayon kay Matta, isang pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu kay Brosas.

Habang nagaganap ang transaksyon, bumunot ng baril si Brosas at nagpaputok sa pulis dahilan para gumanti ng putok ang mga otoridad.

Nakuha sa suspek ang 14 na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P460,000 ang halaga.

Si Brosas ay nagsusuplay umano ng ilegal na droga sa mga bayan ng Lumban, Sta. Cruz, Pila, at Liliw.

Naaresto na rin siya noon sa parehong kaso at nakulong ng limang taon sa Laguna Provincial Jail.

Read more...