Ayon kay Garbin, itutulak niya sa Kamara na maipasa at maisabatas ang Public Utilities Bill na layong palawakin at bigyang pagkakataon ang ibang kumpanya sa water service sector.
Naniniwala si Garbin na ito na ang simula ng katapusan ng paghahari-harian ng Manila Water at Maynilad sa bansa matapos ding kanselahin ng MWSS ang extension ng concession agreement gayundin ang pagpapaliban sa water rate increase sa Enero 2020.
Gayunman iginiit ng kongresista na ilalaban pa rin nila na tuluyang ibasura ang umiiral pa ring kasunduan at mananatiling nakabantay sa hindi patas na business practices ng mga water concessionaires.
Reaksyon ito ng mambabatas kasunod ng yumukod ang Manila Water at Maynilad sa gobyerno nang desisyunan na hindi na nila sisingilin sa pamahalaan ang P7.4 Billion at P3.4 Billion na lugi sa kanilang mga kumpanya.