Pagkakabit ng bagong fiber optic cables malapit nang matapos

88 percent nang kumpleto ang pagkakabit ng fiber optic cables (FOCs) sa kahabaan ng linya ng MRT-3.

Ito ay matapos maikabit ng mga technical personnel ng Sumitomo-MHI-TESP ang 19 sa 20 reels ng FOCs mula MRT-3 Depot hanggang sa Taft Avenue Station.

Bago ang pagkakabit ng FOCs aycopper wires lamang ang ginagamit para sa signalling system ng rail line.

Bilang bahagi ng rehabilitasyon ng MRT-3 ay pinalitan ito ng mas modernong kable.

Layon ng railway signalling system na mapanatili ang ligtas na distansya ng mga tren sa bawat isa habang nasa linya.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang connection test sa pagitan ng Shaw Boulevard Station at Guadalupe Station, at end-to-end test sa pagitan ng Shaw Boulevard Station hanggang Taft Avenue Station.

Ang connection test ay isinasagawa upang masubukan ang reliability ng mga kableng ikinabit.

Target na matapos ngayong buwan na ito ang pagkakabit ng mga FOCs sa buong kahabaan ng MRT-3.

Read more...