Water concession dapat buksan sa maramimg players ayon kay Rep. Garbin
Pinabubuksan ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr sa maraming players ang paghahatid ng serbisyo sa tubig sa bansa.
Ayon kay Garbin, itutulak niya sa Kamara na maipasa at maisabatas ang Public Utilities Bill na layong palawakin at bigyang pagkakataon ang ibang kumpanya sa water service sector.
Naniniwala si Garbin na ito na ang simula ng katapusan ng paghahari-harian ng Manila Water at Maynilad sa bansa matapos ding kanselahin ng MWSS ang extension ng concession agreement gayundin ang pagpapaliban sa water rate increase sa Enero 2020.
Gayunman iginiit ng kongresista na ilalaban pa rin nila na tuluyang ibasura ang umiiral pa ring kasunduan at mananatiling nakabantay sa hindi patas na business practices ng mga water concessionaires.
Reaksyon ito ng mambabatas kasunod ng yumukod ang Manila Water at Maynilad sa gobyerno nang desisyunan na hindi na nila sisingilin sa pamahalaan ang P7.4 Billion at P3.4 Billion na lugi sa kanilang mga kumpanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.