Ito na ang ikalawang beses na nagpatupad ng adjustment sa operating hours ang mass transit para sa Kapaskuhan.
Ayon sa kanilang abiso araw ng Miyerkules, magbubukas ang kanilang Roosevelt at Baclaran stations ng alas-4:30 ng umaga.
Pero tuwing Lunes hanggang Sabado, ang huling biyahe ng tren mula sa Baclaran ay babiyahe na ng alas-11:00 ng gabi, at ang huling tren naman mula Roosevelt ay aalis alas-11:15 na ng gabi.
Mananatili namang alas-9:30 at alas-9:45 ang last trips kapag Linggo.
Samantala narito ang schedule ng last trips sa mga sumusunod na petsa:
– December 24, Martes (Holiday) alas-8:00 ng gabi mula Baclaran at Roosevelt
– December 25, Miyerkules (Christmas Day) alas-9:30 ng gabi mula Baclaran, alas-9:45mula Roosevelt
– December 30, Lunes (Rizal Day) alas-9:30 ng gabi mula Baclaran, alas-9:45 ng gabi mula Roosevelt
– December 31, Martes (Holiday) alas-7:00 ng gabi mula Baclaran at Roosevelt