Catriona Gray itutuloy ang music career, charity works

Matapos magbalik-bansa, inanunsyo ni Miss Universe 2018 Catriona Gray kung ano na ang kanyang mga plano.

Sa panayam ng media araw ng Miyerkules, sinabi ng beauty queen na nais niyang ipagpatuloy ang kanyang lifelong dream – ang career sa musika.

“I was saying to Erickson [Raymundo of Cornerstone Entertainment] kanina na (earlier) that there were so many years since I was maybe 18 years old that I’ve always been dreaming about pursuing music and always getting put off or push to the side,” ani Gray.

“Actually now that I get to pursue it, oh my goodness, it’s like another dream that I’ll be able to see in my views. I’m very excited,” dagdag nito.

Sa katunayan, maging ang Cornerstone Entertainment ay nag-anunsyo na rin na makatratrabaho na nila ang dating Miss Universe.

Sa pamamagitan ng isang Instragram post, nagpahayag ng excitement ang agency sa pagiging bahagi ni Gray ng kanilang lumalagong pamilya.

Pero bukod sa music career, sinabi ni Gray na magiging abala rin siya sa pagsasagawa ng charity works.

“I really, really look forward to putting together my two passions, which are charity work and music,” giit nito.

Magkakaroon anya siya ng benefit concerts sa hinaharap para sa kanyang tinutulungang charities at pagpapasaya na rin sa mga Filipino abroad.

Noong Lunes, ipinasa na ni Gray ang kanyang trono kay Zozibini Tunzi ng South Africa.

Masaya naman si Gray sa performance ng pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados at sa pagkapanalo nito ng best in national costume award.

Read more...