Sang-ayon ang Palasyo ng Malakanyang sa pahayag ng frontman ng sikat na Irish band na U2 na si Bono na hindi maaring i-kompromiso ang human rights o karapatang pantao.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, naging polisiya ng administrasyon na pangalagaan ang karapatang pantao ng bawat isa.
Sagrado aniya para sa administrasyon ang human rights.
Bilang patunay, sinabi ni Andanar na nilagdaan na ni PangulongDuterte ang Universal Health Care (UHC), Presidential Task Force on Media Security, Press Freedom na nagbibigay ng karapatang pantao sa bawat isa.
Sa huli, mensahe naman ni Andanar kay Bono, “rock the stadium” lalo’t marami ang umiidolo sa U2.
Nasa bansa ang U2 para sa isang concert sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Narito ang buong ulat ni Chona Yu: