Pinangunahan ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar ang launching docufilm na “Gramo” at magazine na tumatalakay sa anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Mismong ang PCOO ang nag-produce ng docufilm.
Ipinakita sa docufilm kung paano ang ginagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga drug personality pati na ang rehabilitasyon sa mga adik.
Ipinakita rin sa docufilm ang mga matatapang na pahayag ni Pangulong Duterte kontra sa mga drug lord.
Ayon kay Andanar, layunin ng docufilm na mabago ang negatibong pagtingin ng international community sa war on drugs ni Pangulong
Duterte.
Ipalalabas ang docufilm sa PTV 4 sa Huwebes, December 12 bandang 7:00 ng gabi at sa mga social media account na mina-manage ng PCOO.
Bukod sa docufilm, inilunsad din ng PCOO ang mazagine na “Saving the Future of A Nation: Countering Hard Drugs.”
Mababasa sa magazine ang mga artikulo kung paaano nakakaapekto ang problema ng droga sa pag-unlad ng isang bansa.