Magnitude 3.5 na lindol, yumanig sa Southern Leyte

Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Southern Leyte, Miyerkules ng hapon.

Batay sa datos ng Phivolcs, namataan ang lindol sa 4 kilometers Northeast ng Anahawan bandang 3:00 ng hapon.

May lalim ang lindol na 27 kilometers at tectonic ang dahilan.

Dahil dito, naitala ang intensity 1 sa Palo, Leyte.

Wala namang napaulat na pinsala matapos ang pagyanig.

Tiniyak din ng ahenya na walang inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Read more...