LOOK: Mga nais manood ng SEAG closing ceremony, nagsimula nang dumagsa sa New Clark City

Kuha ni Erwin Aguilon

Nagsimula nang magdatingan ang mga nais manood ng closing ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) Games sa New Clark City sa Capas, Tarlac Miyerkules ng hapon.

Sa entrada pa lamang ng New Clark City ay mahigpit na ang seguridad na ipinapatupad ng mga guwardiya at mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at militar.

Mayroong hiwa-hiwalay na linya para sa mga lalaki at babae na dalang bag at walang dalang bag.

Mayroon ding nakalaang linya para sa mga buntis, may kapansanan, bata at nakatatanda.

Bago makapasok ng stadium, mahigpit na tinitignan ang ticket sa kada taong pumapasok.

Hindi pinapayagang makapasok ang mga tao na walang nabiling ticket.

Sa bahagi naman mismo ng stadium, patuloy pa ang isinasagawang paghahanda partikular sa entablado.

Nakatakdang magsimula ang closing ceremony bandang 5:00 ng hapon.

Read more...