Consular service ng DFA sa Tacloban suspendido sa Dec. 14

Suspendido ang consular services ng Department of Foreign Affairs Consular Office sa Tacloban sa December 14.

Sa abiso ng DFA, walang operasyon ang kanilang Tacloban – CO sa naturang araw na pumatak ng araw ng Sabado dahil sa mayroon silang official activities.

Ang mga aplikante na naka-appointment para sa nasabing petsa ay ia-accommodate naman sa December 16, Lunes.

Kailangan lamang ipakita ang kanilang katibayan na sila ay naka-appointment ng December 14.

Read more...