Black Eyed Peas magtatanghal sa closing ceremony ng SEA Games

Hindi lang ang Fil-Am na si Apl De Ap kundi mismong ang grupong Black Eyed Peas ang magpe-perform sa closing ceremony ng Southeast Asian Games ngayong araw.

Ibinahagi ni Apl De Ap sa kaniyang Facebook page ang magandang balita.

Aniya nagtagumpay siyang madala sa Pilipinas sina Will I Am at Taboo para makapagperform sila sa closing ceremony.

Ang frontman ng grupong Journey naman na si Arnel Pineda ang aawit ng Lupang Hinirang.

Aabangan din ang 45-minute drone show, parade of athletes at ang pag-turnover sa susunod na host country na Vietnam.

Read more...