SEA Games Hero Surfer Roger Casugay sinaluduhan ni Pangulong Duterte

Bilib si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabayanihan na ipinamalas ng SEA Games hero surfer na si Roger Casugay nang sagipin ang kalabang Indonesian Surfer na si Arip Nurhidayat sa ginanap na Men’s Longboard Competition sa La Union noong Biyernes.

Personal na ipinaabot ng pangulo ang kanyang pagbati kay Casugay at iba pang miyembro ng Philippine Surfing Team sa Kalayaan Grounds sa Malakanyang Martes ng gabi.

Base sa video ng Presidential Communications Operations Office, makikitang magkasamasang nagpa-picture ang pangulo, si Casugay at Philippine Surfing Team.

Matatandaang nag-viral sa social media si Casugay dahil sa halip na magpursige sa surfing para makuha ang gintong medalya, pinili nitong sagipin ang kalaban na Indonesian nang maputol ang tali sa kanyang surfboard.

Una rito, sinabi ni Senador Bong Go na gagawaran ni Pangulong Duterte si Casugay ng Order of Lapu Lapu sa December 18 sa Malakanyang.

Read more...