Suspensyon ng biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Camarines Norte binawi na

Binawi na ng Philippine Coast Guard ang pinairal na suspensyon sa biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Camarines Norte.

Sa travel advisory na inilabas ni Station Commander Amir Jedd Mustafa ng Coast Guard Station sa Camarines Norte, pinapayagan na ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat kabilang ang mga motorbanca at mga bangkang pangisda.

Ito ay matapos matiyak na ligtas na ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat.

Pinayuhan naman ng coast guard ang mga maglalayag na maliliit na seacraft na maging alerto pa rin kapag sila ay papalaot.

Read more...