Christmas cash gift matatanggap na ng GSIS pensioners mula Dec. 15

Simula sa December 15 ay matatanggap na ng mga pensioner ng Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang Christmas cash gift.

Nasa 324,348 pensioners ang tatanggap ng Christmas Cash Gift o Christmas bonus.

Ayon kay GSIS Chairman and Acting President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet make-credit ito sa eCard ng mga pensioner ilang araw bago ang Pasko.

Aabot sa P3.12 billion ang inilaan na pondo ng GSIS para sa Christmas cash gifts.

Simula sa Dec. 15 ay papasok na ang cash gift sa eCard ng kanilang pensioners.

Read more...