Water level sa Angat dam muling nadagdagan sa magdamag

Tumaas pa ng bahagya ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.

Sa update ng PAGASA, alas 6:00 ng umaga ngayong Miyerkules, Dec. 11 nasa 195.91 meters ang water level ng dam.

Tumaas kumpara sa 195.83 meters kahapon.

Wala namang pagbabago sa water level ng Ipo dam at La Mesa dam na nasa 100.81 meters at 77.69 meters.

Nadagdagan din ang water level sa Ambuklao dam.

Habang nabawasan ang antas ng tubig sa Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.

Read more...