Biyahe ng LRT-1 nagka-aberya

Nagka-aberya ang biyahe ng LRT-line 1 dahil sa depektibong tren.

Alas 6:39 ng umaga ng Miyerkules (Dec. 11) nang magpatupad ng “stop for safety” sa northbound ng LRT-1 o sa biyaheng Baclaran to Roosevelt.

Ito ay dahil sa depektibong tren sa bahagi ng Vito Cruz Station.

Bago mag-alas 7:00 ng umaga nang maibalik sa normal ang biyahe ng tren.

Pinayuhan ang mga pasahero na maglaan ng dagdag na oras sa biyahe dahil ang aberya ay nagdulot na ng paghaba ng pila sa mga istasyon ng tren.

Read more...