6 patay sa insidente ng pamamaril sa New Jersey

(UPDATE) Anim ang nasawi sa pamamaril na naganap malapit sa isang eskwelahan sa New Jersey.

Kabilang sa nasawi ang isang pulis, tatlong sibilyan, at ang dalawang gunman.

Tumagal ng halos isang oras ang narinig na palitan ng putok sa Jeresy City.

Pinaniniwalaang dalawa ang suspek sa pamamaril.

Isa sa mga rumespondeng pulis ang idineklara ng dead on arrival sa ospital at may iba pang nakitang walang buhay sa Kosher Supermarket.

Dahil sa insidente ay nagpatupad ng lockdown sa Jersey City school at hindi agad pinayagang makalabas ang mga estudyante.

Tiniyak naman ng paaralan na ligtas ang kanilang mga mag-aaral.

Read more...