Sunog sumiklab sa isang residential area sa Tondo Maynila

(UPDATE) Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Tondo Maynila.

Nagsimula ang sunog alas 3:48 ng madaling araw (Dec. 11) sa kahabaan ng Road 10 sa Vitas.

Makalipas ang ilang minuto ay agad itong itinaas sa 1st alarm.

Pawang gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar.

Hindi naman na lumaki ang apoy at agad ding naapula alas 4:11 ng umaga.

Pero ayon sa Manila Fire Bureau, aabot sa 23 pamilya ang nawalan ng tirahan bunsod ng nangyaring sunog.

Read more...