Michelle Dee tiyak nang pasok sa top 40 ng Miss World 2019

Tiyak nang may pwesto sa top 40 ang pambato ng Pilipinas sa Miss World 2019 na si Michelle Dee.

Ito ay makaraang makasama si Dee sa 10 kandidata na nanalo sa Head to Head challenge.

Sa naturang challenge, ipinaliwanag ni Dee ang kaniyang adbokasiya tungkol sa autism awareness.

Maliban kay Dee, ang siyam pang kandidata na nanalo sa Head to head challenge ay ang mga pambato ng Moldova, Nepal, Venezuela, Nigeria, Mexico, Guyana, India, Trinidad & Tobago, at Paraguay.

Sa Sabado na, December 14 magaganap ang coronation event ng Miss World 2019.

 

Read more...