7 arestado sa anti-illegal drug operations sa Maynila

Sampaloc ManilaPito ang arestado sa ikinasang operasyon kontra ilegal na droga sa Maynila.

Sinalakay ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police ang bahagi ng Paquita Street, Brgy. 463, Sampaloc Maynila.

Naaresto ang target ng operasyon na si Rafael Dela Rosa at dalawa niyang parokyano.

Nakumpiska sa kanila ang pitong gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P50,000 ang halaga.

Sa parehong lugar, nadakip din ang apat na iba pang drug suspects.

Nakuhanan naman sila ng ilegal na drog a natinatayang aabot sa P21,000 ang halaga.

Matagal nang nagsasagawa ng surveillance ang mga otoridad sa nasabing lugar dahil sa sumbong na sangkot ang mga suspek sa ilegal na gawain.

Read more...