Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang Amihan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at mga lalawigan ng Aurora at Quezon.
Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon na ramdam na rin ang Amihan, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan na may posibilidad lamang ng mahihinang pag-ulan.
Maalinsangang panahon ang aasahan sa buong Visayas at Mindanao na may posibilidad ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying-dagat ng:
– Batanes
– Cagayan kasama ang Babuyan Islands
– Northern coast ng Ilocos Norte
– Isabela