Sunog sumiklab sa residential area sa Quezon City

Isang dalawang palapag na bahay ang natupok ng apoy sa Antique St. Brgy. Ramon Magsaysay, Quezon City, pasado alas-7:00, Martes ng gabi.

Ayon kay Bureau of Fire Protection – QC Fire C/Insp. Joseph Del Mundo, ang bahay na nasunog ay pagmamay-ari ng isang Elisa Candelaria.

Nagsimula ang sunog sa kwarto sa ikalawang palapag na mabilis kumalat dahil gawa sa light materials ang bahay.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula alas-8:12 na ng gabi.

Bukod sa pamilya Candelaria, dalawa pang pamilya ang apektado ng sunog.

Aabot sa P100,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian.

Maswerte namang walang nasugatan at namatay sa sunog.

Read more...