P400k halaga ng shabu, baril, nasabat sa buy-bust sa Quezon City

Timbog ang dalawang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Central Ave., Brgy. Culiat, Quezon City, pasado alas-10:00 ng gabi ng Martes.

Ayon sa QCPD Station 3, nakuha mula sa dalawang suspek ang 10 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 60 gramo at aabot sa higit P400,000 ang halaga.

Una rito, nakipagtransaksyon ang police poseur buyer para sa P2,000 halaga ng shabu mula sa mga suspek.

Nang magpositibo ang bentahan, agad na inaresto ang mga suspek na napag-alamang nasa drugs watchlist ng baranggay.

Nakuha rin mula sa mga suspek ang 9mm pistol na may lamang mga bala.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Read more...