Bacood-Mandaluyong Bridge sa Sta. Ana, Manila isasara mamayang gabi (Dec. 10) – MMDA

Pansamantalang isasara ang bahagi ng Bacood-Mandaluyong Bridge sa Sta. Ana, Manila simula Martes ng gabi, December 10.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), hindi muna madadaanan ng mga motorista ang nasabing tulay mula 10:00, Martes ng gabi hanggang 5:00, Miyerkules ng madaling-araw (December 11).

Sinabi ng MMDA na layon nitong bigyang-daan ang girder erection para sa Skyway Stage 3 project.

Ipatutupad ang stop-and-go scheme sa parehong direksyon ng tulay kada oras.

Read more...