Dating Pang. Fidel Ramos at Gloria Arroyo, maaring makasuhan sa water contracts

Inquirer photos

Hindi isinasantabi ng Palasyo ng Malakanyang na maaring masapul sa asunto sina dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa tagilid na kontrata na pinasok ng gobyerno sa Maynilad at Manila Water.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ito ay kung mapatutunayan na bahagi ng conspiracy o nakipagsabwatan sina dating Pangulong Ramos at Arroyo.

Taong 1997 o panahon ni dating Pangulong Ramos, nalagdaan ang kasunduan sa Manila Water at Maynilad at nakatakdang mapaso sa taong 2022.

Pero ni-renew ito sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Arroyo noong 2009 at pinalawig pa ng 15 taon.

Kung hindi naman aniya mapatutunayan, tiyak na abswelto ang dalawang dating pangulo.

Sa ngayon, tuloy aniya ang pag-aaral ng Department of Justice (DOJ) sa kontrata ng dalawang water concessionaire.

Read more...