Sen. Bong Go, binisita ang mga nasunugan sa Pasig

Kuha ni Jong Manlapaz

Personal na ipinaabot ni Sen. Christopher “Bong” Go ang kaniyang tulong sa mga pamilya na nasunugan sa Barangay Pinabuhatan sa Pasig City.

Kabilang sa tulong na binigay ni Sen. Go ang cash assistant at grocery, sinagot na rin nito maging ang maging uniporme ng mga estudyante na nasunugan.

Sa tala ng barangay, aabot sa 112 na pamilya o 566 na indibidwal ang naapektuhan ng sunog at pansamantalang tumutuloy sa Pasig City Multi-Purpose Building, Elpidio Santos Pasig.

Inatasan din nito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at maging ang NHA na huwag ng patagalin ang tulong na ibibigay sa mga nasunugan. Habang puhunan naman sa pagsisimula ng maliit na negosyo ang tulong na ibibigay ng Department of Trade and Industry (DTI).

Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Vico Sotto sa tulong na binigay ng senador sa knayang mga residente na naapektuhan ng sunog.

Samantala, plano umano nila ng pangulo na magpatayo ng permanenteng evacuations center.

Maghahain din siya ng House and Development Act na may layong mabilis matugunan ang pangangailangan ng mga nasunugan, kabilang na ang pagmimigay ng materyales sa mga nasunugan.

Read more...