Hindi na sisingilin ng Manila Water ang pamahalaan sa arbitral award na P7.4 bilyon sa kanila ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa Singapore.
Sa pagdinig ng House Committee on Good Government at Public Accounts, sinabi ni Manila Water President at CEO Jose Almendras na hindi na nila pagbabayarin ng nasabing halaga ang gobyerno.
Makikipagtulungan din anya sila sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) upang pag-aralan ang concession agreement.
Bukod dito, sinabi rin ni Almendras na hindi na muna nila ipatutupad ang inaprubahang taas-singil sa Enero ng susunod na taon.
Samantala, ayon naman kay Maynilad President at CEO Ramoncito Fernandez na pag-aaralan pa nila kung itutuloy ang kanilang water rate hike sa susunod na taon.
Narito ang buong report ni Erwin Aguilon: