Michelle Dee top choice ng Missosology para sa Miss World 2019

Ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee ang nanguna sa second hot picks list ng Missosology.

Ilang araw bago ang Miss World 2019 pageant ay si Dee ang nanguna sa listahan ng Missosology si Dee.

Pumapangalawa sa listahan ang Nigeria, sinundan ng Ukraine, Vietnam, Trinidad & Tobago, India, Uganda, Czech Republic, France at Brazil.

Ang Miss World 2019 coronation night ay magaganap sa December 14, Sabado alas 10:00 ng gabi oras sa Pilipinas.

Gaganapin ito sa London.

Bago ang araw ng pageant ay maglalabas ng final hot picks list ang Missosology.

Read more...