Panukala ni Sen. Bong Revilla sa differential pay sa gov’t workers lusot na

Nakapasa na sa third and final reading ang panukala ni Senator Ramon Revilla Jr., na mabigyan ng night differential pay.

Ayon kay Revilla nakasaad sa Labor Code na ang night differential pay ay hindi bababa ng 10 porsiyento ng regular na suweldo at ito ay sa mga nagtatrabaho mula alas 10 ng gabi hanggang ala-6 ng umaga.

Aniya ang naturang benepisyo ay ibinibigay na sa mga nagtatrabaho sa pribadong sektor.

Sa Senate Bill No. 643, sasakupin ng panukala ang mga permanent, contractual, temporary at casual na empleyado sa lahat ng ahensiya ng gobyerno.

Ayon sa namumuno sa Senate Committee on Civil Service ang night differential pay sa mga government workers ay hindi lalagpas ng 20 porsiyento ng kanilang hourly rate.

Ang pondo naman para dito ay isasama sa taunang General Appropriations Act (GAA).

Samantalang ang nasa LGUs naman ay babayaran mula sa kanilang sariling pondo.

Read more...