6 na bagon mula sa Indonesia para sa PNR dumating na sa bansa

Nasa bansa na ang mga bagong coach ng Philippine National Railways (PNR) na galing sa Indonesia.

Madaling araw ng Martes (Dec. 10) nang dumating sa ang anim na coaches.

Bahagi ito ng 37 bagong coaches na binili ng PNR sa Indonesia.

Gagamitin ang 6 na bagong coaches sa rutang Tutuban-FTI at Malabon-FTI.

Sa pagitan ng buwan na ito ng Disyembre hanggang sa February 2020 nakatakda ang pagdating na natitira pang 31 coaches.

Sa sandaling maging operational na, tinatayang 18 hanggang 20 biyahe kada araw ang madaragdag sa serbisyo ng PNR.

Read more...