Pilot testing ng E-gates sa para sa mga OFWs sa NAIA, inilunsad na ng Immigration

Inilunsad na ng Bureau of Immigration ang kanilang electronic gates (e-gates) sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang paghahanda na rin sa inaasahang pagdami pa ng mga pasahero sa Kapaskuhan na naglalayong mabawasan ang mahabang pila sa immigration counters ngayong holiday rush.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nilagdaan na niya ang memorandum of agreement sa service provider ng e-gates para sa pilot testing nito na gagawin muna sa NAIA 2 immigration departure area.

Matatandaan na una nang ipinatupad ang paggamit ng e-gate system noong isang taon sa immigration arrival areas ng NAIA Terminal 3 at nternational airports sa Mactan-Cebu, Davao, at Clark.

Ayon sa Immigration, nakatulong ang egates na ito na maiwasan ang sobrang haba ng pila sa mga airport na gumagamit na nito.

Ayon sa Immigration, kapag naipwesto na ang e-gates sa immigration arrival areas, ilalan ang bagong lane na ito sa mga paalis na OFWs para masiguro ang mas maayos at mas mabilis na pag proseso ng mga dokumento ng OFWs.

Ayon kay BI port operations division chief Grifton Medina, ang pilot testing at demonstration ng bagong egates na ito ay tinatayang tatagal ng anim na buwan at target ng Kawanihan na makapagproseso ng tinatayang 100,000 passahero bago tuluyang maging fully operational ang nasabing mga egates.

Sinabi ng BI na ang gatos para dito ay kargo ng Ascent Solutions, isang Singapore-based IT company na nagsusuply ng e-gates ng bansa.

SInabi ni Medina na nangako na ang service provider na maglalgay ng dalawang e-gates at biometric machines sa NAIA Terminal 2 na exclusive para sa mga OFWs at airline crew ng Philippine Airlines.

Nilinaw naman ng Immigration na ang MOA ay nagpapahintulot lamang sa service provider na magdemonstrate ng gamit o function at kakayahan ng mga makina nito para sa egates.

Sinabi ni Medina na ang ibang mga pasahero ay sasailalim parin sa regular na immigration inspection, pero pinag aaralan na tin anya ng BI ang posibleng pagpapagamit nito sa mga permanent residents at iba pang ACR I-Card holders.

Read more...