U2 nasa bansa na para sa concert bukas

Dumating na sa bansa ang Irish rock band na U2.

Magtatanghal ang grupo para sa isang concert sa Philippine Arena sa December 11 bilang bahagi ng kanilang tour.

Ipinagdiriwang ng banda ang 30th anniversary ng kanilang “The Joshua Tree” album.

Sa larawan na ibinahagi sa Inquirer, makikita ang grupo na nagdi-dinner kagabi (Dec. 9) sa hindi tinukoy na lugar.

Read more...