Ayon kay Defensor hindi naging epektibo ang programa para labanan at pababain ang kaso ng dengue sa bansa.
Nabatid na nakapagtala ng average na 185,008 dengue cases at 732 deaths sa dengue sa loob ng limang taon.
Pero, ngayong taon ay nakapagtala ang DOH ng 402,694 dengue cases mula Enero 1 hanggang Nobyembre 16 mas mataas ng 92% kumpara sa 209,335 cases noong 2018.
Tumaas din ang bilang ng namamatay sa sakit na dengue na nasa 40% o 1,502 ngayong 2019 kumpara sa 1,075 deaths noong 2018.
Hiniling din ni Defensor sa pamahalaan na gayahin ang Malayasia at pag-aralan din ang Walbachia bacteria na pumapatay sa dengue virus.
Tulad sa Pilipinas, mataas din ang kaso ng dengue sa Malaysia na nakapagtala ng 39% na pagtaas ng mga nagkakasakit ng dengue.