Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang operasyon nito para masawata ang mga iligal na paputok at iba pang delikadong pyrotechnic devices.
Sa press briefing sa Camp Crame araw ng Lunes, sinabi ni PNP spokesperson, Brig. Gen. Bernard Banac na istriktong ipatutupad ang nilagdaang Executive Order 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017.
“PNP OIC (officer-in-charge), Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, has directed the Civil Security Group and Police Regional Offices, to launch early police operations to strictly enforce provisions of Executive Order No. 28 series of 2017 that provides for the regulation and control of the use of firecrackers and other pyrotechnic devices,” ani Banac.
Layon ng crackdown na mababawasan ang mga biktima ng paputok ngayong holiday season.
Kahit pababa na anya ang bilang ng firecracker-related incidents ay marami pa rin ang gumagamit ng firecrackers na isang delikasyong tradisyon.
“Despite the downward trend in firecracker-related incidents recorded over the past four years, the fact is, the practice of this traditional dangerous holiday revelry still persists,” giit ni Banac.
Mula sa 929 incidents noong January 2016 at 449 noong January 2018, umabot na lamang sa 307 ang naitala nitong January 2019.
Kabilang sa mga ipinagbabawal na firecrackers ay ang:
– Piccolo
– Watusi
– Giant whistle bomb
– Pillbox
– Malaking sinturon ni Hudas
– Goodbye Philippines, goodbye earth, goodbye bading
– Giant bawang
– Lolo thunder
– Kwiton
– Boga
– Hello Colombia